Flash Marriage with the Mad Genius Doctor Novel – Ito ang araw na hinding-hindi makakalimutan ni Caitlyn. Galing na sila ng kapatid niya sa birthday party ng isang kaibigan at pauwi na ng gabing iyon nang masiraan ang sasakyan. Na-flat ang gulong kaya kinailangan palitan ng driver nilang si Lito. Naghintay lang sa loob ng kotse sina Caitlyn at Fiona,pasilip-silip sa ginagawa ng driver.
Ngunit nang makitang tila nahihirapan ito lalo na at hawak nito sa isang kamay ang flashlight ay napagpasiyahan na ni Caitlyn na tumulong. “Wait,sa’n ka pupunta,Ate?”pigil agad ni Fiona habang hawak ang braso ng kapatid. “Tutulungan ko lang siya para makaalis na tayo rito.” “Ehh!Natatakot ako,Ate!” Napangiti si Caitlyn sabay hawak sa pisngi nito.“‘Wag kang matakot,kasama mo naman ako.” “Kahit na,nakakatako pa rin.Don’t leave me,sasama ako!” Nagpakawala ng hangin si Caitlyn saka lumabas,na agad sinundan ng kapatid.
Mabilis naman niyakap ni Fiona na braso nito.“Ba’t ba kasi tayo dumaan dito?Ang dilim-dilim tapos wala pang ilaw,parang hunted,”may halong pagrereklamo ang kanyang boses. Hindi naman pinansin ni Caitlyn ang sinabi ng kapatid at nilapitan si Lito.“Kuya,tulungan ko na kayo.”Saka niya kinuha ang hawak nitong flashlight. “Salamat,Miss,”ani Lito. “Mabilis lang bang magpalit ng gulong,Kuya?O,gusto niyong tumawag na‘ko ng mekaniko?” “Oo,Miss,madali ko lang‘tong matatapos,”sagot ni Lito habang inaalis na ang nabutas na gulong.
Mayamaya pa ay hinihila ni Fiona ang braso ng kapatid sabay bulong,“Naiih*na‘ko,Ate.” “Seryoso?!”nawindang si Caitlyn,sa isang iglap ay nataranta at nagpalinga-linga sa paligid. Kasalukuyan silang nasa lugar na madilim,may naglalakihang puno at talahib.Malinaw na walang kabahayan sa paligid. Biglang tinuro ni Caitlyn ang isang puno.“Do’n ka na lang…”nabitiin sa ere ang salita matapos mapansin ang paparating na sasakyan. “Hindi ko na talaga kaya,lalabas na!”ani Fiona na biglang tumakbo palayo. Eksakto naman na padaan na ang sasakyan,isang puting van… Nang walang ano-ano ay tumigil pagkatapat sa tumatakbong si Fiona.
Biglang bumukas ang pinto at hinila ang dalaga,pilit siyang pinapapasok sa loob. “Ahh!!!” Pagsigaw ng kapatid ay agad tumakbo si Caitlyn upang iligtas ito. “Fiona!” Tumakbo na rin palapit si Lito upang saklolohan ang dalaga. Ngunit huli na,dahil sa kagustuhang mailigtas ang kapatid ay si Caitlyn ang hinablot ng dalawang lalakeng nasa loob ng van. “Ate!”sigaw ni Fiona ngunit nagsara na ang pinto ng sasakyan saka humarurot palayo.“Ate!”hiyaw niyang muli ngunit ilang sandali pa ay may sumilay na kakaibang ngiti sa labi.
Samantalang sa loob ng van ay nagpumiglas si Caitlyn,ginamit niya ang buong lakas makawala lang sa higpit ng pagkakahawak sa kanya.“Pakawalan niyo‘ko!”Kahit natatakot ay malakas pa rin ang loob niya,hindi siya maaaring sumuko dahil iyon na lamang ang tangi niyang magagawa. Sa sobrang likot ng dalaga ay nainis na ang isang lalake at sinuntok ito sa tiyan.Biglang nanghina si Caitlyn,hindi agad nakahinga at parang gusto niyang maiyak sa sobrang sakit ng ginawa sa kanya. Sinamantala ng dalawang kidnapper ang panghihina ni Caitlyn saka ginapos ang kamay nito at binusalan ang bibig upang hindi makapag-ingay.
Tinakpan din ng sako ang ulo nito gaya ng inutos sa kanila upang hindi magamit ni Caitlyn ang lokasyon at malito kung saan dadalhin. AKALA ni Caitlyn,hindi siya magtatagal sa kamay ng mga dumukot sa kanya.Na ilang araw lang din ay maliligtas siya dahil tiwala siyang hindi titigil ang kanyang pamilya para mahanap siya. Ngunit hindi ganoon ang nangyari… Dalawang taon siyang nabilanggo,ikinadena sa kulungan kasama ng mga baboy. Sa bawat araw na lumilipas ay unti-unti siyang nawawala ng pag-asa. Halos mabaliw siya sa lungkot at pangungulila.Araw-araw,minu-minuto niyang naiisip ang dating buhay at pamilya.
Pinalaki siyang parang isang tunay na prinsesa ngunit matapos ng masaklap na kapalaran. Parang gusto na lang niyang mawala sa mundo dahil pagod na pagod na siya,hindi na niya kaya ang nangyayari sa buhay niya. Lalo na at makailang ulit din siyang muntik-muntikan ng gahas*in. Gabi-gabi niyang pinapanalangin na kung hindi naman siya makakaalis sa masaklap na buhay…tapusin na lang sana ang kanyang paghihirap. Hanggang sa dumating ang pag-asang kay tagal na niyang inaasam. Nagkaroon ng sunog sa lugar kung saan siya ikinulong at kinadena.
Dahil doon ay nakahingi siya ng tulong sa bumbero na agad tumawag ng pulis. Nahuli ang mga dumukot kay Caitlyn at pagkatapos ay dinala siya sa malapit na ospital upang mabigyan ng medikal na atensyon ang kanyang kondisyon. “Ahm…a-anong nangyari sa inyo,Ma’am?”tanong ng nurse na siyang unang tumingin kay Caitlyn.Kung wala marahil suot na mask ay baka nasuka na ito. Palinga-linga naman sa paligid si Caitlyn,hindi pa rin makapaniwala na wala na siya sa kulungan ng baboy… Malaya na siya!–sigaw ng kanyang isip. Sa isang iglap,bigla siyang naluha.Humikbi matapos magbalik sa alaala ang lahat ng mapapait na karanasan sa loob ng dalawang taon. “A-Ayos lang kayo,Ma’am?”natatarantang tanong ng nurse,akmang lalapit upang alamin kung may iniinda itong sakit.Ngunit hindi naman magawang hawakan dahil sa dami ng skin disease.Kaya dali-dali siyang kumuha ng disposable gloves.
Eksakto namang dumating ang doctor na titingin sa dalaga. Nagsuot ito ng gloves saka sinuri ang balat ni Caitlyn dahil iyon ang mas kapansin-pansin sa dalaga bukod sa sobrang payat nito dahil sa malnutrition. May kasamang pulis si Caitlyn ng sandaling iyon na nasa malapit,nakabantay.At sa halip na ang dalaga ang tanungin ng doctor ay lumingon ito sa pulis. “May I ask what happened to her?”tanong ng doctor dahil umiiyak si Caitlyn,nasisiguradong hindi ito makakausap nang maayos. Lumapit ang pulis at bumulong malapit sa tenga ng doctor na unti-unti naman nanlalaki ang mga mata.Pagkatapos ay gulat na may halong awang tiningnan si Caitlyn. “Kumuha ka nga ng tissue at ibigay mo sa kanya,”utos ng doctor sa nurse. Pagkatapos maibigay ang tissue sa emosyonal na si Caityn ay nagpasalamat siya. Marahan at may ingat na tinapik ng doctor ang balikat ng dalaga.“Don’t worry,hindi malala ang skin condition mo at tiyak na gagaling kapag natutukan.Magsi-set ako ng schedule,bumalik ka ulit dito sa makalawa.Sa ngayon ay bibigyan kita ng vitamins at magpahinga ka.” “S-Salamat…maraming salamat,”ani Caitlyn. Pagkatapos matingnan ng doctor ay hinatid siya ng pulis pauwi sa tahanan na matagal na niyang gustong uwian.
Ngunit sa kanyang pagbabalik ay isang nakakabiglang balita ang sasambulat sa kanya… Dahil si Jude,ang kanyang nobyo ay ikakasal na kay Fiona! NAGING emosyonal agad si Caitlyn nang matanaw niya ang pamilyar,mataas at magarang gate na matagal na niyang hindi nakikita ngunit malinaw pa sa kanyang alaala ang itsura. Paghinto ng police car ay pinunasan niya ang luha sa gilid ng kanyang mga mata saka ngumiting tiningnan ang pulis na siyang naghatid sa kanya.“Thank you.” Lumingon ito habang inaalis ang seatbelt.“Ihahatid na kita sa loob,Miss para maipaliwanag sa parents mo ang nangyari.” Tumango si Caitlyn at pagkatapos ay sabay na silang bumaba ng sasakyan. Mula sa labas ay napansin niyang tila nagkakasiyahan sa loob dahil may canopy tent,tables and chairs saka mga bisita na naka-casual dress and suit. “Mukhang may celebration ata kayo,Miss,”komento ng pulis. Nagtaka naman si Caitlyn dahil sa pagkakaalala niya,wala silang okasyon sa araw na iyon.No,birthdays,wedding anniversary or special occasion.